My Korean Novela

A day in my life while I am in Korea.

Thursday, September 21, 2006

My First....

Last Saturday (16 September) lahat halos ng ginawa ko ay mga una dito sa Korea. Let me start with my first..


...hair cut

Around 10 am when I was invited by Hyungnim (si Mr. Chyun, ang 'caretaker' ng farm) para magpagupit. Mahaba na rin kasi ang buhok ko at kailangan ng gupitan, kaya umoo naman ako. OK naman sa akin kasi hairdresser daw ang kanyang asawa at ililibre daw nya ako ng gupit.

Nagsimula na ang gupitan. Napansin ko ang sarili ko sa salamin, mukha na pala akong haggard, gawa siguro ng ilang gabing puyat dahil sa pagpi-prepare ng report in one of my classes.

Nang matapos na ang gupitan, as a sign of 'good' gesture nag-abot ako ng pera, (kasi alam ko naman na libre, ipinagdadasal ko na sana 'wag tanggapin). But no! tinanggap nya! Whaaa! 5,000 won din yon (o P250). Nasa huli ang pagsisisi, dapat pala naging demanding ako sa kanya. Dapat pinabawasan ko pa ng konti sa may bandang batok. Ngayon mukha na akong anime!


...lunch out with my adviser's family

Bandang alas-dos naman nang dumating ang adviser ko sa bahay. Nakatulog na ako sa paghihintay at marahil na rin sa gutom (sabi nya kasi ay isasama nya ako para kumain sa labas.

Kumain kami sa isang korean restaurant di kalayuan sa bahay. Masarap naman ang pagkain, beef barbecue na sa harap mo lulutuin (nasa gitna kasi ng lamesa ang lutuan, di naman mausok kasi may exhaust sa tabi). Ayon na ang pinaka-main course at sang katutak naman ang side dishes (kimchi, bawang, gulay, lettuce, at marami pang iba). Kasama namin ang asawa nya (di sya marunong mag-english pero fluent sa Japanese) at ang kanyang Nanay (na 84 years old na), tinatawag ko syang Halmoeni o lola.

Wala namang kakaibang nangyari, wala lang akong nasabi kundi "Ne" o yes sa lahat ng usapan kasi naman Korean sila mag-usap, though tinatanong naman ako nang konti kung saan akong probinsya sa Pilipinas at kung meron din bang ganitong klaseng pagluluto sa Pilipinas. Meron naman, ang sabi ko.


....toma sa kanto

Pagkabalik ko sa bahay, inimbitahan naman ako ni Hyungnim na uminom sa may tindahan kasama ang mga friends nya. In fairness, 3pm palang yun ha!

Nang makita ko ang kanyang mga kaibigan ay nagulat naman ako... shocking, mga mukhang tatay na. Hay naku po, wala ng atrasan to!! Bali lima kami. Ako, si Hyungnim, si Pak Hyungnim1, si Pak Hyungnim2, at si Mommy Pungso (ang may ari ng tindahan). Sa tabing lamesa naman ay mga matatanda ding babae at lalaki na nag-iinuman. Maliit lang ang area, parang isang maliit na carenderia dyan sa Pilipinas.

Question and answer portion nanaman. Dapat pala may nakasabit na recorder sa leeg ko para ipi-press nalang, iisa lang naman ang sagot. I was asked kung saan galing ako sa Pilipinas, ilan kaming magkakapatid, anong trabaho ng magulang ko.. at marami pang iba..

Hay... di nagtagal naka 15 kaming 640ml na beer! Pero sa tingin ko naka dalawang bote lang ako. My golly, inaantok na ako by that time! Dalawang beses na akong naghikab at nagkamot ng batok habang kinaka-usap. (Tinapik na ako braso habang nagkakamot ako at sinabihan na wag maghikab sa harap, bad manners daw yon) Whaa...di ko na alam ang ginagawa ko sa antok.. Pero ok lang, carry naman.

Tinuruan nila ako ng mura at tinuro ko naman ang ka-level namura non sa Pilipinas (P.I.).


...sauna

Almost 7pm na nang matapos kami sa paglaklak ng di mabilang na bote ng beer.. Inaya naman ako ni Hyungnim na magpunta sa sauna kasama ang mga anak nya. Ewan ko pero umoo ako. Nakita ko kasi sa tv (korean drama) na masaya at mukhang ok naman kasi nakadamit naman sila kung nagsa-sauna).

Nagbayad muna sya may reception area, then umakyat na kami ng elevator sa may sauna area.Wwhaa, my golly! ano ba to, kahit pala nanonood lang ng tv sa may waiting area ay nakahubad na (as in totally naked!). Wala nang atrasan to!

Binigyan kami ng susi para ilagay sa locker ang mga damit namin. Syempre pa, nanginginig na ako sa hiya. Di ko na to makayanan, nakahiya ito. Then, pikit-matang hinubad ang underwear while counting 1, 2, 3... Anyway, wala na... hubad na ako! Ako lang ang foreigner sa loob, kaya ako lang ang maitim ang pwet!

Malaki ang sauna, may dalawang steam room, isang infrared room, 4 mini-pools na mainit ang tubig, 1 mini pool na malamig ang tubig, 1 malawak na shower area, at dressing room.

Kunwari ok lang at walang nakikita ang drama ko. Pero di maiwasan na mag-observe... Bolivia (magubat) ang kanillang PH area (mabuti nalang at di ako nag-trim ng ph, kundi ako lang ang trimmed sa lugar na yon) at pare-pareho ang itsura ng pwet nila... makikinis, hehe.

Almost 9pm na nang matapos kami. Oras na para magbihis. Sa may dressing room, complete ang mga materials, may lotion, gel, towels, cotton at marami pang iba.

Syempre nag-lotion naman ako. Lotion sa legs, sa braso, at sa buong katawan. But wait a minute kapeng mainit! Nakita ko sa salamin na ako lang ata ang gumagawa ng bagay na ito! Ang iba ay kumukuha lang ng konti lat ipinapahid sa mukha. (Kaya pala amoy aftershave ang amoy ng lotion!) Whaa!!!

Anyway, umuwi akong presko at wala ng amoy ng alak sa katawan.

My 13 days (Blessing or Omen)

Hi!
Labing-dalawang araw na ang nakakaraan nang dumating ako dito sa Korea (noong 23rd ng August). Marami na rin ang nangyari...

Masaya dito, exciting ang buhay although di rin naman bago sa mga ginagawa ko sa Pilipinas.

Ngayon, marunong na akong magbasa ng Korean characters, mahirap nga lang maintindihan kasi di ko naman alam ang meaning ng binabasa ko.
Mabilis akong natuto, dahil na rin sa pagbabasa at kailangan, tulungan pa ng sangkaterbang student tutors tuwing gabi. Siyam silang lahat, dalawa bawat gabi maliban kung biyernes na isa lang. (Mayabang ang pang Biyernes at may ginawa akong 'kabulastugan' sa kanya sa sobrang asar ko, mamaya ang kwento.)


Korean Bus, Farm at Subway

Nagba-bus na ako ngayon papunta at pauwi ng bahay ko. 800 won o 900 won ang pamasahe bawat sakay sa bus (1000 wonfiltered= P50). (Depende kasi kung prepaid card or cash kang magbabayad.) Dalawang sakay ako sa bus tuwing pupunta at uuwi ng bahay (40 minutes ang biyahe.) Ok lang sa akin, kesa naman tumira sa dormitory. Mas feel kong mag-isa at solo sa bahay. Ang adviser ko ang gumagastos lahat, binibigyan nya ako ng pera pambili ng pagkain at pamasahe (sa isang buwan ko pa makukuha ang totoo kong scholarship allowance.) Though, ngayon, pera ko na ang ginagastos ko. Ang kapalit sa pagtira sa bahay (sa farm) ng adviser ko ay pagpapakain sa 70 nyang kambing 2 beses isang araw (umaga at gabi). May caretaker naman sa tanghali. Masaya syang libangan, lalo na at sila lang ang kasama ko sa farm.

Noong Biyernes ang una kong sakay sa subway. Galing kasi ako ng Downtown (Bayan). Ok din parang MRT pero ang kaibahan ay di siksikan at automatic lahat pati pagbili ng ticket. 800 won din ang pamasahe.


Korean Yabang
(One week old towel, expired bread and coffee, at Philippine adobo)


Noong Biyernes, isang mayabang na student tutor, Changgi ang pangalan, ang nakasama ko sa bahay. Hay... sa sobrang kayabangan nya ay di ko sya ma-take, nakaka-sira ng araw.

Ok sana, masaya syang kausap noong una, pero matapos ko syang i-compliment na sa lahat ng student tutors ko sya ang pinaka magaling mag-english eh, parang hot air balloon na biglang lumaki ang ulo. (Nagtanong kasi sya, sinabi ko naman ang totoo.) At mas gusto nyang turuan ko sya ng english kesa sa ako ang turuan nya g Hanggul.

Lalo pa akong nairita nang pumunta kame sa Downtown. Inilibot nya ako sa Bayan. Habang kumakain kame ng hapunan, tumawag sa cellphone ko ang adviser ko. (Binilhan ako ng cellphone pagkadating ko ng Korea.) Sinabi kong nasa Downtown kame at kumakain, ipinakausap ko sa kanya si Changgi. Nagalit siguro sa kanya kasi matapos nyang makausap ang adviser ko ay namumula ang mukha.

Na-guilty siguro kaya ipinamukha ba naman sa akin na mas pinili pa nyang makasama ako at turuan ng Hanggul kesa pumunta sa isang importanteng gathering. Bakit, hindi ko naman syang pinilit na mag-sign up para maging tutor ko. Sinabi ko tuloy na, "I am not forcing you to teach me and stay in the house, you can now leave and go to that gathering". In fairness, ang panget mo ha! (Syempre, hindi ko na yan sinabi.)

Nang nasa bahay na kame at oras na para mag-shower, ibinigay ko sa kanya ang isang linggo ko nang gamit na towel (at ipinamunas sa paa ng isang kong tutor), pero malinis pa namang tingnan. (Ano ka, hindi kita bibigyan ng bagong towel no!) Nang matapos syang mag-shower, nagbisi-busy-han ako. Nagtatawag ako sa mga kaibigan at ikinuwento ang asar sa Koreanong kasama. Nauna na akong natulog at di na ako nagpaturo sa kanya.

Nang agahan na, ne-request nya na ipagluto ko sya. (Nalaman nya kasi na ipinagluto ko ng adobo para sa hapunan ang isa kong tutor. Masarap sya! At last na-perfect ko ang adobo, dito pa sa Korea.)

Anyway, nagluto ako ng scrambled egg. Nilagyan ko ng maraming asin at paminta. Naghain din ko ang isang linggo nang tinapay at bahaw na noodles. Ok na sana ang plot, kaso nakita nya ang expiration date ng tinapay, sayang di nya kinain. Palpak ang una! Tumikim sya ng itlog, di siguro nagustuhan kaya kumuha ng canned tuna sa cabinet (alam nya kasi pinagbubuksan lahat ng cabinet ko kagabi). Palpak din ang pangalawa! Sinabi ko sa kanya na ubusin nya yon once na buksan nya (nangalahati naman sya). Di nya kinain ang noodles, luma na daw kasi. Palpak din ang pangatlo.

Aba-aba humirit pa, gusto nya na ipagtimpla ko sya ng kape, prince daw kasi sya ng Daegu (pangalan ng town dito sa Korea). Hindi ko nga ginawa! Ang yabang mo ha! Sabi ko na gumawa sya ng kape depende sa lasa na gusto nya, ibinigay ko ang kape, asukal at gatas. Gumawa naman sya, nagtimpla sya ng isang kutsarang kape, kalahating kutsarang asukal, at 1/4 kutsarang gatas. Ano ka, mapait yan. Buti nga! (Ewan ko lang kong naubos nya.)

Di pa dito natapos ang lahat. Dapat alas-nueve eh uuwi na sya. Ayaw ko nga, kulang pa ang parusa ko sa kanya, kaya naglaba ako. (Ang laundry area ay sa nasa loob ng banyo.) Nagtanong sya kung papaano raw sya makakaligo. Mamaya pag natapos ako, ang sabi ko. Kaya ayon, pumuti na ang mata sa kakahintay na matapos ako. Nakatulog na sya sa kaboringan... Alas-dose na nang maka-alis kame sa bahay. Di ko na sya sinamahang mag-lunch. Sabi ko may gagawin pa ako.


University Students at Korean Military Service

Lagpas biente na ang mga university students dito. Ganito kasi yon.. At the age of 8, start ka ng mag-aaral para sa elementary sa loob ng anim na taon. Then, 3 years ang middle school, at 3 years din ang high school. Pagkatapos nun, 4 years naman ang university life. During middle school at high school ang oras ng klase ay from 8am hanggang 9pm or 10pm. (Ire-research ko pa ang mga detalye, pero kaya matagal kasi daw matagal ang inilalaan nila para sa self-study.)

Ang mga lalake dito ay required na mag-under go ng military service. Magsisimula sa edad na 20 or 21 sa loob ng dalawang taon. Kaya kung nasa kolehiyo ka na at lalake ka, stop ka muna at enrol ka sa military school. (May isang linggo namang bakasyon bawat taon.) Kaya 26 years old na guma-graduate ng college ang mga lalake dito, 24 naman ang mga babae.

Trivia: Alam mo ba na ang bidang lalake sa "My Name is Kim Sam Soon", si Hyungbin, ay kakayapos lang ng Military Training nya. Six months lang syang nag-undergo sa service kasi napilayan sya habang training. Ayan ang tinatawag na swerte.. Lahat kasi halos ng lalake dito ay hate ang military service.