My Korean Novela

A day in my life while I am in Korea.

Thursday, September 21, 2006

My 13 days (Blessing or Omen)

Hi!
Labing-dalawang araw na ang nakakaraan nang dumating ako dito sa Korea (noong 23rd ng August). Marami na rin ang nangyari...

Masaya dito, exciting ang buhay although di rin naman bago sa mga ginagawa ko sa Pilipinas.

Ngayon, marunong na akong magbasa ng Korean characters, mahirap nga lang maintindihan kasi di ko naman alam ang meaning ng binabasa ko.
Mabilis akong natuto, dahil na rin sa pagbabasa at kailangan, tulungan pa ng sangkaterbang student tutors tuwing gabi. Siyam silang lahat, dalawa bawat gabi maliban kung biyernes na isa lang. (Mayabang ang pang Biyernes at may ginawa akong 'kabulastugan' sa kanya sa sobrang asar ko, mamaya ang kwento.)


Korean Bus, Farm at Subway

Nagba-bus na ako ngayon papunta at pauwi ng bahay ko. 800 won o 900 won ang pamasahe bawat sakay sa bus (1000 wonfiltered= P50). (Depende kasi kung prepaid card or cash kang magbabayad.) Dalawang sakay ako sa bus tuwing pupunta at uuwi ng bahay (40 minutes ang biyahe.) Ok lang sa akin, kesa naman tumira sa dormitory. Mas feel kong mag-isa at solo sa bahay. Ang adviser ko ang gumagastos lahat, binibigyan nya ako ng pera pambili ng pagkain at pamasahe (sa isang buwan ko pa makukuha ang totoo kong scholarship allowance.) Though, ngayon, pera ko na ang ginagastos ko. Ang kapalit sa pagtira sa bahay (sa farm) ng adviser ko ay pagpapakain sa 70 nyang kambing 2 beses isang araw (umaga at gabi). May caretaker naman sa tanghali. Masaya syang libangan, lalo na at sila lang ang kasama ko sa farm.

Noong Biyernes ang una kong sakay sa subway. Galing kasi ako ng Downtown (Bayan). Ok din parang MRT pero ang kaibahan ay di siksikan at automatic lahat pati pagbili ng ticket. 800 won din ang pamasahe.


Korean Yabang
(One week old towel, expired bread and coffee, at Philippine adobo)


Noong Biyernes, isang mayabang na student tutor, Changgi ang pangalan, ang nakasama ko sa bahay. Hay... sa sobrang kayabangan nya ay di ko sya ma-take, nakaka-sira ng araw.

Ok sana, masaya syang kausap noong una, pero matapos ko syang i-compliment na sa lahat ng student tutors ko sya ang pinaka magaling mag-english eh, parang hot air balloon na biglang lumaki ang ulo. (Nagtanong kasi sya, sinabi ko naman ang totoo.) At mas gusto nyang turuan ko sya ng english kesa sa ako ang turuan nya g Hanggul.

Lalo pa akong nairita nang pumunta kame sa Downtown. Inilibot nya ako sa Bayan. Habang kumakain kame ng hapunan, tumawag sa cellphone ko ang adviser ko. (Binilhan ako ng cellphone pagkadating ko ng Korea.) Sinabi kong nasa Downtown kame at kumakain, ipinakausap ko sa kanya si Changgi. Nagalit siguro sa kanya kasi matapos nyang makausap ang adviser ko ay namumula ang mukha.

Na-guilty siguro kaya ipinamukha ba naman sa akin na mas pinili pa nyang makasama ako at turuan ng Hanggul kesa pumunta sa isang importanteng gathering. Bakit, hindi ko naman syang pinilit na mag-sign up para maging tutor ko. Sinabi ko tuloy na, "I am not forcing you to teach me and stay in the house, you can now leave and go to that gathering". In fairness, ang panget mo ha! (Syempre, hindi ko na yan sinabi.)

Nang nasa bahay na kame at oras na para mag-shower, ibinigay ko sa kanya ang isang linggo ko nang gamit na towel (at ipinamunas sa paa ng isang kong tutor), pero malinis pa namang tingnan. (Ano ka, hindi kita bibigyan ng bagong towel no!) Nang matapos syang mag-shower, nagbisi-busy-han ako. Nagtatawag ako sa mga kaibigan at ikinuwento ang asar sa Koreanong kasama. Nauna na akong natulog at di na ako nagpaturo sa kanya.

Nang agahan na, ne-request nya na ipagluto ko sya. (Nalaman nya kasi na ipinagluto ko ng adobo para sa hapunan ang isa kong tutor. Masarap sya! At last na-perfect ko ang adobo, dito pa sa Korea.)

Anyway, nagluto ako ng scrambled egg. Nilagyan ko ng maraming asin at paminta. Naghain din ko ang isang linggo nang tinapay at bahaw na noodles. Ok na sana ang plot, kaso nakita nya ang expiration date ng tinapay, sayang di nya kinain. Palpak ang una! Tumikim sya ng itlog, di siguro nagustuhan kaya kumuha ng canned tuna sa cabinet (alam nya kasi pinagbubuksan lahat ng cabinet ko kagabi). Palpak din ang pangalawa! Sinabi ko sa kanya na ubusin nya yon once na buksan nya (nangalahati naman sya). Di nya kinain ang noodles, luma na daw kasi. Palpak din ang pangatlo.

Aba-aba humirit pa, gusto nya na ipagtimpla ko sya ng kape, prince daw kasi sya ng Daegu (pangalan ng town dito sa Korea). Hindi ko nga ginawa! Ang yabang mo ha! Sabi ko na gumawa sya ng kape depende sa lasa na gusto nya, ibinigay ko ang kape, asukal at gatas. Gumawa naman sya, nagtimpla sya ng isang kutsarang kape, kalahating kutsarang asukal, at 1/4 kutsarang gatas. Ano ka, mapait yan. Buti nga! (Ewan ko lang kong naubos nya.)

Di pa dito natapos ang lahat. Dapat alas-nueve eh uuwi na sya. Ayaw ko nga, kulang pa ang parusa ko sa kanya, kaya naglaba ako. (Ang laundry area ay sa nasa loob ng banyo.) Nagtanong sya kung papaano raw sya makakaligo. Mamaya pag natapos ako, ang sabi ko. Kaya ayon, pumuti na ang mata sa kakahintay na matapos ako. Nakatulog na sya sa kaboringan... Alas-dose na nang maka-alis kame sa bahay. Di ko na sya sinamahang mag-lunch. Sabi ko may gagawin pa ako.


University Students at Korean Military Service

Lagpas biente na ang mga university students dito. Ganito kasi yon.. At the age of 8, start ka ng mag-aaral para sa elementary sa loob ng anim na taon. Then, 3 years ang middle school, at 3 years din ang high school. Pagkatapos nun, 4 years naman ang university life. During middle school at high school ang oras ng klase ay from 8am hanggang 9pm or 10pm. (Ire-research ko pa ang mga detalye, pero kaya matagal kasi daw matagal ang inilalaan nila para sa self-study.)

Ang mga lalake dito ay required na mag-under go ng military service. Magsisimula sa edad na 20 or 21 sa loob ng dalawang taon. Kaya kung nasa kolehiyo ka na at lalake ka, stop ka muna at enrol ka sa military school. (May isang linggo namang bakasyon bawat taon.) Kaya 26 years old na guma-graduate ng college ang mga lalake dito, 24 naman ang mga babae.

Trivia: Alam mo ba na ang bidang lalake sa "My Name is Kim Sam Soon", si Hyungbin, ay kakayapos lang ng Military Training nya. Six months lang syang nag-undergo sa service kasi napilayan sya habang training. Ayan ang tinatawag na swerte.. Lahat kasi halos ng lalake dito ay hate ang military service.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home